Sunday, March 8, 2009

Ang Aming Pananaliksik...

Ang Pananaliksik…

SUMMER JOB

Ipinasa ni:
Lintot, Mark Angelo
Hermogenes, Raymond
Sumbilla, Joshua
Chan, Peterson

I. Big Panimula

A. Panukalang Pahayag

*Karamihan sa mga estudyante ng College of Commerce ng UST na nagtrabaho noong tag-init ng 2008 ay nagtrabaho bilang fast food services.

B. Introduksyon/Paglalahad ng Suliranin

1. Pagtukoy sa Paksa

*Ang paksa ng mga pananaliksik na ito ay ang dami ng mga estudyante ng College of Commerce na nagtratabaho sa fast food services tuwing tag-init.



2. Paglalahad ng mga suliranin


*Maraming mga estudyante ng UST ang naghihirap ngayon lalo’t pa dumagdag ang pandaigdigang krisis
dahil dito natututo ang mga estudyante ng College of Commerce ng UST na magtrabaho tuwing tag-init o “Summer Job”.


3. Kaligiran ng Paksa o Suliranin


*Karamihan ng mga estudyante ng College of Commerce ay nagtatrabaho tuwing tag-init dahil kumikita sila ng pera dahil hindi daw matustusan ng mga kani-kanilang magulang ang kanilang mga gusto dahil sa hindi ganoon karami o hindi sila ganun kayaman kaya naman itong mga estudyante ng UST ay nagtratrabaho upang magkaroon ng pera at matupad o mabili ang kanilang ninanais at hindi lang iyon natututo rin silang magtrabaho o experience isa ito sa mga hakbang upang magamit nila ang kanilang mga natutunan.


4.Personal o panlipunang Udyok sa Pagpili ng paksa


*Napili ng mga mananaliksik ang paksang ito dahil gusto ng mga mananaliksik na malaman kung bakit ang pagtatrabaho tuwing tag-init ang pinagtutuunan ng pansin ng mga mag-aaral ng College of Commerce ng UST at kung bakit gusto nila magtrabaho sa mga fast food services.

ii. Rebyu o Pag-aaral


*Ang mga mananaliksik ay nakakalap ng mga impormasyon sa loob ng building ng College of Commerce sa loob ng UST, ang mga nakausap ng mga mananaliksik ay mga taong nagbibigay ng impormasyon ukol sa mga nagtatrabaho tuwing tag-init.


iv. Layunin


*Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang magbigay ng ideya kung bakit karamihan mga mag-aaral ng college of commerce ay nagtatrabaho sa mga fast food services.

* Makatulong na makapagambag sa mga pananaliksik kung gaano karami na mag-aaral ng College of Commerce sa UST ang nagtratrabaho sa mga fast food services.

*Ano ang naikokontribyut nito sa kanilang pag-aaral at paano ito nakakaapekto sa kanilang pag-aaral.







v. Halaga

*Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil nakakapagbigay ito ng interes sa mga estudyante na gusto magtrabaho at kung ano ang kanilang malalaman at magagawa sa pagtatrabaho tuwing tag-init at makakatulong din ito dahil magkakaroon kayo ng mga experiences sa pagtatrabaho sa tunay na corporate na mundo.

*Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil malalaman kung magkano ang nakukuhang pera sa mga nagtatrabaho sa fast food services

*Mahalaga rin malaman ng mga mag-aaral ang importansya ng summer job. Ipinapapakita dito kung anu-ano ang ginagawa ng isang mag-aaral habang nagtatrabaho sa mga fast food services.
















vi. Konseptuwal na Balangkas



*Ang tsart na ito ang nagpapakita ng paraan ng pagtatrabaho at hindi ka lang kumikita kundi natututo ka pang magtrabaho para sa totoong buhay sa loob ng isang corporate na mundo.

vii. Metodolohiya

*Ang pananaliksik na ito, ay nagsisimula sa pagkalap ng mga impormasyon sa mga mag-aaral ng College of Commerce sa UST dahil sa kagustuhan ng mga mananaliksik na malaman kung gaano karami ang nagtatrabaho sa mga fast food services tuwing tag-init.

viii. Saklaw o Delimitasyon

*Ang aming pananaliksik ay sasakop lamang sa mga estudyante ng college of commerce sa UST at nag survey sa mga 2nd year,3rd year at 4th year na mag-aaral ng College of Commerce kung nagtatrabaho siya sa fast food services pagsagot ng oo at hindi na inihanda ng mga mananaliksik. Hindi tatalakayin ng mga mananaliksik ang mga mga 1st year na mag-aaral ng College of Commerce o mag-aaral sa ibang kolehiyo o unibersidad, ang aming limitasyon ay sa kung gaano karami ang nagtatrabaho sa mga fast food services tuwing tag-init at kung ano ang mga kinokontribyut nito sa mag-aaral ng UST.



ix. Daloy ng pag-aaral

*Sa unang kabanata ang mga pananaliksik ay nagkasundo na ang kanilang panukalang pahayag ay “Karamihan sa mga estudyante ng College of Commerce ng UST na nagtrabaho noong tag-init ng 2008 ay nagtrabaho bilang fast food services”.
*Sa ikalawang kabanata na pinangalanan namin na Mag-aaral na UST at Fast food services, makikita ang Introduskyon ng paksa at ang mga nakalap na artikulo ng mga mananaliksik, dito din makikita ang kritikal na pag-susuri ng mga mananaliksik ukol sa nakalap na mga artikulo.
*Sa ikatlong kabanata makikita ang naging konklusyon ng mga mananaliksik at ang rekomendasyon upang mapagbuti pa ang pananaliksik na ito.



II. Mag-aaral na UST at Fast food services
A. Introduksyon sa Pananaliksik

-Ang summer job ay tumutukoy sa pagtatrabaho tuwing summer at nagtratrabaho upang magkaroon ng pera panggastos, isa ito sa minsang libangan na ginagawa ng mga-aaral ng College of Commerce ng UST dahil sa taghirap ngayon ng ating bansa napipilitang magtrabaho ang mga mag-aaral.

Ang dahilan kung bakit karamihan ng mag-aaral ng College of Commerce sa UST ay nagtatrabaho sa fast food services dahil dito sila kumukuha ng tulong pang pinansyal at panggastos ng estudyante sa pang araw-araw dahil hindi naman ito nabibigyan ng baon kaya ipinagpasya na lang ito na magtrabaho tuwing bakasyon upang kumita ng pera at magkaroon ng experience ukol dito dagdag kaalaman sa pagtatrabaho sa totoong corporate na mundo.







B. Tsart




-Halos magkadikit ang tatlo, higit na mas marami ang nagtatrabaho na mag-aaral ng College of Commerce sa fast food services at mas konti ang nagtatrabaho sa babysitting dahil sa karamihan ng mga mag-aaral ng College of Commerce ay gusto sa mga fast food services dahil medyo malaki ang kinikita doon.




III. Naging resulta ng nagtatrabaho sa mga fast food services tuwing tag-init na mag-aaral ng College of Commerce sa UST

*Sa nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik sa mga estudyante ng college of commerce sa UST 13% lang ang nagtatrabaho sa babysitting at 18% naman sa mga stores at 24% naman sa mga Computer shops at 45% naman sa mga fast food services tuwing panahon ng tag-init.

i. Konklusyon

*Sa pamamagitan na nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik ang buong paglalahad ay kaya nagtatrabaho ang mga mag-aaral ng College of Commerce sa UST ay dahil para may panggastos siya sa mga pangangailangan niya at sa mga may gusto ito ay isa sa mga past time na ginagawa tuwing tag-init, ang iba ay nagiipon pang matrikula sa susunod na taon para makapag-enroll at kaya naman gusto nila magtrabaho sa mga fast food services ay dahil medyo malaki ang sahod.

ii. Rekomendasyon

*Dahil natuklasan namin ang kahalagan at importansya sa pagtatrabaho tuwing tag-init ay nirerekomenda namin na magtrabaho na lang kayo kung wala naman kayong masyado ginagawa bukod sa kikita pa kayo ng pera makakalap din kayo ng experience sa pagtatrabaho sa totoong buhay ng corporate na mundo at isa pang pinakamaganda sa pagtatrabaho niyo ay ang paglago ng ekonomiya ng ating bansa sa pakikipagtulungan ninyo sa mga kumpanya na umasenso lalong lalo na sa panahon ng krisis ngayon.


Sanggunian:
*Images of www.google.com
*Mga 2nd year,3rd year at 4th year na mag-aaral ng college of commerce sa UST
* www.WORDPRESS.com sa pagbibigay ng format sa aming pananaliksik.

Acknowledgement:
*Ang mga bumubuo ng
www.WORDPRESS.com salamat sa pagbibigay ng impormasyon ukol sa paggawa ng aming research paper.

*Maraming Salamat kay Charles William Ong para sa laptop niya kung hindi dahil sa kanya hindi ko ito magagawa at sa pagbibigay ng impormasyon ukol sa aming research.

*Maraming Salamat din kay Kevin Cruz at Aaron Cruz para sa kanilang napakabilis na internet at maayos ako nakapagpost ng blog at sa mga maraming pagkain at sa Mcdonalds dahil kapag kumakalam ang tiyan namin isang tawag lang andyan na kaagad ang aming napakasarap na pagkain.

*At lalong lalo salamat sa mga estudyante ng College of Commerce sa UST! Mabuhay Tayo!

No comments:

Post a Comment